eto na. eto na. eto na. waaaaaaaaaaaaaaa.
) ididisplay ko na ang mga kaganapan sa unang semestre ng pagiging kolehiyo ko sa Unibersidad ng Pilipinas, Loas Baños. by date na lang para hindi na ako mahirapan
) kokopyahin ko lang to galing sa planner ko. haha! importante lang yung ilalagay ko. para hindi kayo mabore
June
15 – Campus Tour with blocmates. ito rin ang unang gabi ko sa dorm. medyo nahihiya pa ako sa roommates ko nito. haha!
17 – unang araw ng klase. kabado nung una. pero naging kampante na rin ako nung lumaon.
—
July
14 – bloc dinner sana. pero kokonti lang kaming pumunta. si jai, ako, si joan, marissa, cy, at… SORRY! nakalimutan ko yung isa. pasensya na talaga. XD
22 – nanood kami ng Hugnay. Filipino Folk Dances. GRABE! ang galing. magiging proud ka talaga!
29 – Bontoc Eulogy naman ang pinanood ko. about sa isang lalaki na hinahanap ang ninuno nya. tama nga ba? haha. hulaan nyo kung sino kasama kong nanood >:)
30 – Edades naman ang pinanood ko. isang syang National Artist. hindi naman masyadong marami yung pinapanood ko di ba? haha. required naman kasi.
—
August
9 – unang field trip. HIST2. mga templo ang pinuntahan namin. pinakanaenjoy ko yung Buddhist temple. ang gaming freebies
)
16 – field trip ulit, HIST1 naman. hindi ko masyadong naenjoy eh. haha!
23 – field trip sana, HUM2. pero dahil nagkasakit ako, hindi ako nakasama.
sometime before the end of August – nanood kami ng Isko’t Iska 2008. GALING! go freshmen!
—
September
1 - ang pinakahihintay ng lahat ng Math11 students. and Math11 Midterm Exams. nakakadugo ng utak, grabe. kung gusto mong magpakamatay, subukan mong sagutan ang exam na to.
4 – PEPtamorphosis: The UP Ravens Concert. pasensya na sa mga ravens, pero hindi ko nagustuhan to. yung competition lang ang nakakaenjoy. sayang ang 120 ko.
7 – UAAP Cheerdance competition! super watch naman ako sa bahay. haha! CONGRATS UP!
10-11 – USC-CSC elections. Vote Straight Sakbayan ang drama ng lola nyo >:)
13, 14, 15 – pinakamasayang field trip ng semestre. ILOCOS-BAGUIO TRIP! san ka pa! sobrang enjoy, at sobrang sulit ng binayad namin
—
October
2 – Happy birthday to me! ito ang pinakamasayang birthday ko, YET. thank you sa aking super college buddies, ang BETA TETRA PAK, sa pagbibigay sa akin ng surprise party. sorry at napagastos pa kayo. labs na labs ko kayo!
6 – makasaysayang araw para sa Math haters. ayan na ang Pre-final Exams ng Math11. kung gusto mong ma-double dead, sagutan mo rin to. tignan natin kung di matigang ang utak mo
)
9 – HIST2 Food Fest. hindi naman ako napilitang magperform sa harap ng klasmeyts ko, pero kinapalan ko ng sobra ang mukha ko. kahihiyan talaga. ayoko sana maalala ang araw na to eh XD
28 – ang journey to LB. moment of truth. ang pagkuha ng aking mga grade =)) salamat po sa Poong Maykapal sapagkat tinulungan Niya akong pumasa sa aking mga sabjek
_________________________________________________________________________________
oh ayan na yan. kung may mga tanong kayo o suwestiyon huwag mahiyang lumapit o kontakin si karen sa pamamagitan ng kanyang multiply o friendster na matatagpuan sa mga links sa ibabang kaliwa ng webpage na ito. maraming maraming salamat po sa inyong oras upang basahin ang walang kwenta at walang kalatoy-latoy na blog entry na ito.
)