okay. himala. himala na nagpost ulit ako ngayon dito sa mahiwagang blog ko. talagang tamad ako ngayon magpost. kulang na lang pasabugin ko ang computer dahil sa pagkabagot. pero hindi pwede. wala akong bomba eh.
ayon. pinag-iisipan kong mabuti ang kinabukasan ng blog ko. kung babalik ako sa blogger account ko, o kung magiistay ako dito sa wordpress. hanggang ngayon actually nagdadalawang-isip pa rin ako. sa blogger, user-friendly. pwede kang magcustomize ng layouts. sa sobrang dami ng layout na pwedeng pagpilian, luluwa ang mata mo to the highest level. dito sa wordpress, ayos din, pwede rin ibahin ang layout, ang kaibahan lang, limitado. panis ang wordpress sa ganung labanan.
pero ngayon, naisip ko na nailipat ko na rin naman ang mga post ko sa blogger sa blog ng aking bonggacious na multiply. so i decided to stay na lang dito sa wodpress, kahit medyo nahihirapan ako.
haaayy. wala na ako maipost. YEHEEEEEEEEEEYYYYY. oh sya, ako`y mauna na muna.