Archive for Daily Bread

back to school!

ohyess. i`m gonna post again. HAHAHA. this time, may gusto talaga akong ikwento :D

back to school! don`t get me wrong, we actually went to my sister`s school kanina, well, dati kong school. haha! we went there to get her books. pagpasok namin sa student lounge, daming tao, yun pala there`s some kinda program sa gymnasium. hindi ko na tinanong kung about saan yun. wala din naman akong pakialam. haha!

sinalubong ako ng bwisit principal, tinanong kung UP na talaga ako.hoy prinsipal, ilang beses mo na bang tinanong sakin yan? recorded na ba yan sa tuwing makikita mo ko? oo na lang ako. HAHA. i excused myself para makuha na namin ang libro ni kapatid at makadiretso na sa walter mart.

yun lang. haha! gusto ko lang ikwento ang nakakainis na naranasan ko. actually, palaging nangyayari yun tuwing pupunta akong BMA. lagi na lang, saan ka mag-aaral? sa UP ka? wow, ang galing naman! talino ah! HELLO PEOPLE!? sawa na ako, okay? okay. haha!

ciao ciao. till later. (:

its been long.

the title says it all. its been kinda long since my last post here. haha! kasi naman no, wala akong maipost. buset. lol.

boring sa bahay. walang kasing boring! pfft. at naiinis na ko sa isang tao dito. text ng text. kung sa bagay, uhm, basta yun. but honestly i just wanna get rid of that certain person. naiirita na kasi ako eh. alam mo yun? eh, kunwari na lang alam mo. oo ka na lang dyan. HAHA!

sana magpasukan na. i can`t believe i said that!!! gusto ko nang lumipat ng dorm, but at the same time, scared.  di ko alam kung ano mangyayari sakin dun. kung magmumukha akong tanga, o kung magmumukha akong babaeng kahit papano eh may alam sa buhay. honestly, ako na yata ang pinakaburara sa lahat ng burara. yeah right. for a girl, pabaya ako sa gamit. eh ano naman di ba? kanya-kanyang personalidad yan. anyway, i`m trying to take that negative part of me out. syempre gusto ko rin maging organized and clean sa gamit like everybody else. dadating ako sa puntong yan. konting tiis lang. HAHAHA!

so that`s it. wala na akong maitype eh. babalik na lang ako pag may naisip ulit akong sabihin. HAHAHA. ja ne!

yehey! panalo ako!

este, panalo si David Cook sa American Idol! yehey! magdiwang tayong lahat! haha!

for a moment there i thought Archuleta`s gonna win. why? coz of the comments of the judges in their last performance. especially Simon Cowell. he gave all three rounds to archuleta. and i`m sure that gave a lot of pressure to Cook.

pero, nakatutuwang isipin na pagkahaba-haba man ng prusisyon, si david cook din ang nanalo. haha!ang tunggalian ng batang batang si Arch, at ng super charismatic with the amazing voice0 (biased oh) Cook ay nagtapos na, HAHAHAHAHA.

CONGRATS DAIVD COOK!

HIMALAAAA!!!

okay. himala. himala na nagpost ulit ako ngayon dito sa mahiwagang blog ko. talagang tamad ako ngayon magpost. kulang na lang pasabugin ko ang computer dahil sa pagkabagot. pero hindi pwede. wala akong bomba eh.

ayon. pinag-iisipan kong mabuti ang kinabukasan ng blog ko. kung babalik ako sa blogger account ko, o kung magiistay ako dito sa wordpress. hanggang ngayon actually nagdadalawang-isip pa rin ako. sa blogger, user-friendly. pwede kang magcustomize ng layouts. sa sobrang dami ng layout na pwedeng pagpilian, luluwa ang mata mo to the highest level. dito sa wordpress, ayos din, pwede rin ibahin ang layout, ang kaibahan lang, limitado. panis ang wordpress sa ganung labanan.

pero ngayon, naisip ko na nailipat ko na rin naman ang mga post ko sa blogger sa blog ng aking bonggacious na multiply. so i decided to stay na lang dito sa wodpress, kahit medyo nahihirapan ako.

haaayy. wala na ako maipost. YEHEEEEEEEEEEYYYYY. oh sya, ako`y mauna na muna.

hindi ako nakabili. *sob*

May 18, 2008

desperado akong maghanap ng librong New Moon, sequel ng librong aking kinaadikan (Twilight). niyaya ko si mami na maglakwatsa kami the night before para naman makabili na ko ng bagong libro. pumayag naman sya. ang aming destinasyon: SM BACOOR. minabuti kong sa malayong National Bookstore pumunta, para sigurado akong makikita ko ang hinahanap ko. mas malapit kasi yun sa Maynila, kaya may pag-asa.

pero pagdating ko sa NB, ni isang libro ni Stephenie Meyer ay wala. HOLY MOLY EIGHT BALLS OF FUR. ni isa talaga. wala. YEHEY. nanlumo ako to the highest levelation of all levels. kalurkey. i felt soooooo DOOMED. haha!

nag-aya si mami na dumaan ng robinsons imus, baka sakaling meron dun dahil dun ko binili ang twilight, but ALAS! wala din. awww.

so ayun, umuwi ako ng walang baong libro kahapon. pero di bale, i`m keeping mg hopes up. alam kong makakabili din ako nun. BWAHAHAHAHAHAHA. *evil laugh*

 

maulan. malamig!

tunay ngang maulan at malamig these past few days. few ba? ilan ba? mga tatlo yata. tama few lang!

anyways, kanina, naglakwatsa ever ako. hindi siguro yun matatawag na lakwatsa, pero pwede na. una, pumunta kaming school para ienroll ang aking bubwit bunsong kapatid. on the way, syempre kailangan naming maglakad chuchu dahil sa inaayos na tulay. maulan. akalain mo nga namang saktong may rumaragasang kotse na nagtalsik sakin ng malabnaw na chocolate putik sa pantalon ko. PERFECT. napakabait na manong drayber ng isang cheap na sasakyang tinatawag na Porsche. talaga naman. mga mayayaman talaga oh. XD

nung nasa school na kami, nakita ko na naman ang pinakamamahal kong teacher na si Mami Chin. she`s still as chubby and as huggable as before. after greeting her, we went straight to the office to enroll. pagkatapos nun, diretso kaming robinsons imus para mamasyal, bought some stuff, and went home. TAPOS.

pag-uwi, sinimulan ko agad basahin ang Twilight. novel by Stephenie Meyer. nasa 2nd chapter pa lang ako, pero grabe, kakaiba ang story, nakakahook! you dummies should read it, too!

very well, i`m off to forum muna. post something really interesting later.

Next entries »