hay naku. pasukan na naman in a few days. at college na ko. siyeeeeeett. ayoko talaga magcollege. bakit? ganito kasi yan:
number one: pag college na ang isang estudyante, sya ay tinatawag nang MATANDA. kaya kahit ako`y kinse anyos lang, matanda na DAW ako. fcuking reality.
number two: pag college na, oo, may kalayaan nga. pero wag ka. sa sobrang hectic ng scheds, wala ka nang oras para sa sarili mo. malalaman mo na lang, isang linggo ka na palang di nakakaligo. bawas pogi/ganda points. kawawang matanda bata.
number three: ayan ang mga terror na propesor. mga tipong kakapasok mo pa lang ng classroom sa first day of classes, ang hirit agad ay: “okay class, get a half sheet of paper and prepare for a short quiz”. short quiz daw. pero pagtapos, makikita mo ang papel mo na punung-puno ng sulat. kulang na lang pati yung pulang glue sa taas ng papel eh sulatan mo.
ngunit sa kabila ng mga hindi magandang chuvaness pagdating mo ng college, may benefits din naman. syempre, kung may cons, nandyan ang pros. ito ang listahan KO ng mga benepisyong nakukuha ng mga estudyante pagtungtong nila ng kolehiyo.
number one: pagtaas ng presyo gasolina. OO. yun nga. bakit naging maganda yun? syempre pag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang presyo ng pamasahe, kaya tataas din ang baon. YEHEY!!!
number two: malaki ang university. maraming colleges sa loob ng university. maraming chikabebs para sa mga lalaki, at maraming papalicious para sa mga babae. resulta? happy lovelife. or, maybe not.
number three: pag college ka na, marami nang mga kung anik anik na pwedeng salihan. nandyan ang mga org, ang school paper, ang stucent council. magpakasasa ka sa mga iba`t ibang activities! yeah beybi!!
number four: and the last, but not the least, syempre bago ang environment. you meet new people and animals. eh di marami kang magiging jungle friends! oh di ba. susyaaaaaal.
——————————
HAAAAAAYY. hindi na mapipigilan ang mga araw. hindi ko namamalayan, pasukan na pala. kaya para sa mga incoming college freshies na tulad ko, galingan natin, para pagdating ng araw ay wala nang muta sa mga mata natin na humahadlang sa liwanag na magdadala satin sa maginhawang pamumuhay. BOW.