hindi ako nakabili. *sob*

May 18, 2008

desperado akong maghanap ng librong New Moon, sequel ng librong aking kinaadikan (Twilight). niyaya ko si mami na maglakwatsa kami the night before para naman makabili na ko ng bagong libro. pumayag naman sya. ang aming destinasyon: SM BACOOR. minabuti kong sa malayong National Bookstore pumunta, para sigurado akong makikita ko ang hinahanap ko. mas malapit kasi yun sa Maynila, kaya may pag-asa.

pero pagdating ko sa NB, ni isang libro ni Stephenie Meyer ay wala. HOLY MOLY EIGHT BALLS OF FUR. ni isa talaga. wala. YEHEY. nanlumo ako to the highest levelation of all levels. kalurkey. i felt soooooo DOOMED. haha!

nag-aya si mami na dumaan ng robinsons imus, baka sakaling meron dun dahil dun ko binili ang twilight, but ALAS! wala din. awww.

so ayun, umuwi ako ng walang baong libro kahapon. pero di bale, i`m keeping mg hopes up. alam kong makakabili din ako nun. BWAHAHAHAHAHAHA. *evil laugh*

 

maulan. malamig!

tunay ngang maulan at malamig these past few days. few ba? ilan ba? mga tatlo yata. tama few lang!

anyways, kanina, naglakwatsa ever ako. hindi siguro yun matatawag na lakwatsa, pero pwede na. una, pumunta kaming school para ienroll ang aking bubwit bunsong kapatid. on the way, syempre kailangan naming maglakad chuchu dahil sa inaayos na tulay. maulan. akalain mo nga namang saktong may rumaragasang kotse na nagtalsik sakin ng malabnaw na chocolate putik sa pantalon ko. PERFECT. napakabait na manong drayber ng isang cheap na sasakyang tinatawag na Porsche. talaga naman. mga mayayaman talaga oh. XD

nung nasa school na kami, nakita ko na naman ang pinakamamahal kong teacher na si Mami Chin. she`s still as chubby and as huggable as before. after greeting her, we went straight to the office to enroll. pagkatapos nun, diretso kaming robinsons imus para mamasyal, bought some stuff, and went home. TAPOS.

pag-uwi, sinimulan ko agad basahin ang Twilight. novel by Stephenie Meyer. nasa 2nd chapter pa lang ako, pero grabe, kakaiba ang story, nakakahook! you dummies should read it, too!

very well, i`m off to forum muna. post something really interesting later.

ang nalalapit na pasukan. BOW.

hay naku. pasukan na naman in a few days. at college na ko. siyeeeeeett. ayoko talaga magcollege. bakit? ganito kasi yan:

number one: pag college na ang isang estudyante, sya ay tinatawag nang MATANDA. kaya kahit ako`y kinse anyos lang, matanda na DAW ako. fcuking reality.

number two: pag college na, oo, may kalayaan nga. pero wag ka. sa sobrang hectic ng scheds, wala ka nang oras para sa sarili mo. malalaman mo na lang, isang linggo ka na palang di nakakaligo. bawas pogi/ganda points. kawawang matanda bata.

number three: ayan ang mga terror na propesor. mga tipong kakapasok mo pa lang ng classroom sa first day of classes, ang hirit agad ay: “okay class, get a half sheet of paper and prepare for a short quiz”. short quiz daw. pero pagtapos, makikita mo ang papel mo na punung-puno ng sulat. kulang na lang pati yung pulang glue sa taas ng papel eh sulatan mo.

ngunit sa kabila ng mga hindi magandang chuvaness pagdating mo ng college, may benefits din naman. syempre, kung may cons, nandyan ang pros. ito ang listahan KO ng mga benepisyong nakukuha ng mga estudyante pagtungtong nila ng kolehiyo.

number one:  pagtaas ng presyo gasolina. OO. yun nga. bakit naging maganda yun? syempre pag tumaas ang presyo ng gasolina, tataas ang presyo ng pamasahe, kaya tataas din ang baon. YEHEY!!!

number two: malaki ang university. maraming colleges sa loob ng university. maraming chikabebs para sa mga lalaki, at maraming papalicious para sa mga babae. resulta? happy lovelife. or, maybe not.

number three: pag college ka na, marami nang mga kung anik anik na pwedeng salihan. nandyan ang mga org, ang school paper, ang stucent council. magpakasasa ka sa mga iba`t ibang activities! yeah beybi!!

number four: and the last, but not the least, syempre bago ang environment. you meet new people and animals. eh di marami kang magiging jungle friends! oh di ba. susyaaaaaal.

——————————

HAAAAAAYY. hindi na mapipigilan ang mga araw. hindi ko namamalayan, pasukan na pala. kaya para sa mga incoming college freshies na tulad ko, galingan natin, para pagdating ng araw ay wala nang muta sa mga mata natin na humahadlang sa liwanag na magdadala satin sa maginhawang pamumuhay. BOW.

si manong bogart

hay nako. hindi ako makatulog. kawawa naman ako. lols. kaya ito, magboblog ako sandali. magkekwento na lang ako. alam nyo ba yung kwento ni manong bogart?

sige mga bata, ikekwento ko sa inyo ang natatanging kwento ni MANONG BOGART

si manong bogart ay isang sorbetero na walang magawa sa buhay. pag nagbebenta sya, minsan kumakanta habang nagiiskup, minsan naman kumekembot habang nagtutulak ng kart. kart ba tawag dun? dun sa tinutulak ng sorbetero? basta yun. tapos habang kumekembot si manong bogart, nakita sya ng isang bata. “ay yung manong nakembot!”. tawa lang si manong bogart. sa sobrang tawa nya, hindi nya namalayan na nahulog na pala sya sa manhole. tapos yun na. naging magmamanhole na si manong bogart, di na sya mangaayskrim ((:

BWAHAHA. napakawalang kwentang kwento. bakit ba. wala akong maisip eh. actually ngayon ko lang naisip yang kwento na yan. bwahaha. randomness.

oh sya, matutulog na ko. ciao.

mga linya ng mga lalaking walang magawa sa buhay

ngayon ay bibigyan ko kayo ng ilang linya na paniguradong makapagpapasaya ng inyong araw. ito ay mga linyang banat ng mga nanliligaw, or to be more specific, mga lalaking WALANG MAGAWA SA BUHAY =)).

okay, magsimula na tayo. :D

~ First scene :

girlaloo : bakit ka nakatitig sa name plate ko?
boylet : hinihintay ko kasing malipat apleyido ko dyan. 

HATOL: KORNI!

~ Second Scene:

boylet : tapos ka na ba dyan sa test mo?
girlaloo : oo, bakit?
boylet : baka pwedeng ako naman ang sagutin mo. :)

HATOL: PWEDE NA.

~ Third Scene

boylet : istatwa ka ba?
girlaloo : ha? bakit?
boylet : parang gusto kasi kitang galawin. :D

HATOL: ANG LUPEEEEEEEETTT!!!!!

—–

ano namang masasabi nyo? :) )
magcomment kung ayaw masaktan >:)

bagong tahanan!

o ano kayo? anong ginagawa nyo dito? aaaah. binibisita nyo ko? mabuti yan! BWAHAHAHAHA. ito, bago na ang tahanan ko. nasa WordPress na ko ngayon! anong tinatanong mo? bakit ako lumipat? eh ba`t nangingialam ka? HAHA. hindi, joke lang. kasi i was experiencing different problems with my blogger account. kaya yun, dito ako dinala ni kawarden Xylalita :D

bale ayun, ito na lang una ang ilalagay ko sa first post ko. naninibago pa ko. kakalikutin ko muna ang wordpress nang masanay ako. ciao! (:

Newer entries »